National Indigenous Peoples’ Month

Sa kanilang makulay na kultura at natatanging karunungan, ang mga Katutubong Pilipino ay nagbibigay ng mahalagang ambag sa ating lipunan at kalinangan. Ang USLT ay nakikiisa sa pagdiriwang ng 2024 National Indigenous Peoples’ Month at ika-27 na Taon ng Paggunita sa IPRA. Ang tema ngayong taon Ay, “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan at Parangalan.”


Isa sa mga adbokasiya ng Unibersidad ay ang Pagpapaunlad ng mga Katutubo. Layunin ng adbokasiyang ito na itaguyod ang mga inisyatibang pangkomunidad na nakatuon sa pagpapaunlad ng kultura ng mga Katutubo. Isa sa mga katuwang na komunidad ng USL ay ang Allaguia, Pinukpuk, Kalinga, isang komunidad ng mga Katutubo.


Abangan ang mga aktibidad ng CECA para sa buwan ng Oktubre!


#USLCECA

#PagdiriwangParaSaKatutubo

#PaggunitaSaIPRA

#IPRA27

#USLPhilippines

Scroll to Top